Connect with us

Aklan News

Buy 1, take 1 sa bentahan ng droga ngayong pasko, negatibo – APPO

Published

on

Kalibo, Aklan – Pinabulaanan ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang kumaklat na isyu ukol sa Christmas sale sa bentahan ng ipinagbabawal na droga ngayong kapaskuhan.

Sa isang presscon, sinabi ni PMAJ Bernard I. Ufano Chief Intel ng APPO na napag-usapan sa ginanap na Regional Police Intelligence Conference kahapon sa Iloilo ang ukol sa naturang isyu at lumalabas na negatibong may buy one take one at 50% ngayon sa presyo ng droga.

Aniya, minimal lamang ang pagpasok ng droga ngayon sa Aklan ngunit hindi umano maiiwasan ang patuloy na pagpasok nito ngayong buwan hanggang Enero dahil sa Christmas season at pagsisimula ng Ati-atihan.

Karamihan umano sa mga pumapasok na droga sa probinsya ay mula sa Bacolod at Cebu.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *