Connect with us

Aklan News

Promodiser sa mall natagpuang patay sa kanyang boarding house

Published

on

Patay na nang matagpuan sa loob ng kuwarto ang isang promodiser sa kanyang boarding house sa Sitio Ilaya, Brgy. Tanque, Roxas City umaga ng Huwebes.

Kinilala sa ulat ng Roxas City PNP ang biktima na si Zaldy Ta-ay, 25-anyos, tubong Brgy. Dulangan, Pilar.

Napag-alaman na dakong alas-3:00 ng madaling araw, napansin ng mga kasama sa boarding house sa katabing kuwarto na dumadaing ang biktima pero nahinto rin umano nang katukin nila ang kuwarto.

Nagataka nalang sila na makalipas ang ilang oras ay patuloy parin sa pag-alarma ang cellphone ng biktima.

Napilitan silang buksan ang kuwarto ng biktima at isinugod siya sa Roxas Memorial Provincial Hospital subalit dineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *