Connect with us

Aklan News

LALAKI, TINAGA SA ULO NG KAINUMAN

Published

on

Kalibo, Aklan – Sugatan ang isang lalaki matapos umanong tagain sa ulo ng kainuman  alas 10:30 kagabi sa Sitio Kawatihan, Pook, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si James Sombilon Perucho, 46 anyos ng nasabing lugar at ang itinuturo nitong suspek ang kainumang si Juan Dalida Ambid, sa legal na edad at residente rin ng Sitio Kawatihan, Pook, Kalibo.

Base sa inisyal na imbistigasyon ng Kalibo PNP, nag-inuman kagabi ang biktima at suspek sa bahay ng kapatid ng biktima, subali’t nagdiskusyon na nauwi naman sa pananaga ng suspek sa biktima sa kaliwang bahagi ng ulo nito.

Mapalad namang nakahingi ng saklolo sa ilang residente sa lugar ang biktima na kaagad ding dinala sa ospital.

Samantala, patuloy pang pinaghahanap ang suspek na mabilis tumakas matapos ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *