Connect with us

Aklan News

CATMON INTEGRATED SCHOOL, NASUNUGAN

Published

on

Photo by Joanne Martesano

Altavas, Aklan – Nasunugan bandang alas 5:00 kaninang hapon ang Catmon Integrated School sa bayan ng Altavas.

Ito ang kinumpirma ni Executive Assistant 2 Noel Tolentino, na siya rin mismong nagpasaklolo sa mga taga Bureau of Fire Altavas.

Bagama’t patuloy pa ang imbistigasyon ng BFP Altavas, napag-alamang 2 palapag ng Grade 5 classroom ang inubos ng apoy na nagsimula sa second floor nito na lumamon din sa mga libro, oven, printer, at ilan pang mga gamit sa loob.

Nabatid na gawa sa mixed materials ang mga nasunog na kuwarto, subali’t wala namang napaulat na nasaktan sa insidente, lalo pa’t kakatapos lamang ng klase at nakauwi na ang mga guro at mga estudyante.

Kasalukuyan pang inaalam kung ano ang pinagmulan at magkano ang pinsalang iniwan ng sunog.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *