Connect with us

Aklan News

80-anyos na lolo natagpuang patay habang nakasabit sa mga sanga ng puno ng langka

Published

on

Isang 80-anyos na lalaki ang natagpuang patay habang nakasabit sa mga sanga ng isang puno ng langka sa Brgy. Goce, President Roxas.

Kinilala ang biktima sa ulat ng President Roxas City PNP na si Salome Borre y Dischosa, isang tindero ng gulay, residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa pagsisiyasat ng kapulisan, noong Martes pa hindi nakakauwi ng bahay ang biktima dahilan para hanapin ito ng kanyang pamilya.

Natagpuan nalang nila na patay na ang matanda habang nakasabit sa mga sanga ng langka.

Pinaniniwalaang umakyat ng puno ng langka ang lolo para manguha ng bunga subalit nadulas ito at nawalan ng buhay.

Kumpyansa naman ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *