Connect with us

Aklan News

60-anyos na lolo patay matapos tagain sa Panit-an, Capiz

Published

on

LALAKI, TINAGA NG PINSAN

Patay ang isang 60-anyos na lolo sa Brgy. Intampilan, Panit-an matapos magtamo ng malubhang sugat ng pananaga sa kaniyang katawan.

Kinilala ang biktima na si Edwin Delfin, 60-anyos, residente ng nabanggit na barangay habang kinilala naman ang suspek na si Jose Rey Dasig, 49.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, naglalakad umano ang suspek nang bumaba sa tricycle ang biktima at binato niya ng bato ang suspek.

Dahilan para mag-away ang dalawa gamit ang dalang mga itak.

Nagtamo ng malubhang sugat sa mukha, leeg, kamay at paa ang biktima. Dinala pa ito sa Bailan District Hospital pero binawian rin ng buhay.

Naka-confine naman sa Capiz Emmanuel Hospital ang suspek matapos magtamo rin ng ilang sugat ng pananaga sa katawan.

Dating alitan ang tinitingnang motibo sa krimen.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *