Connect with us

Aklan News

Laman ng 2 donation box sa Kalibo Cathedral, nilimas ng kawatan

Published

on

Photo| Flickr.com

Kalibo, Aklan – Iniimbestigahan pa ng mga kapulisan ang panloloob sa St. John the Baptist Cathedral sa Kalibo kung saan natangay ang mga donasyon.

Pilit na binuksan at sinira ng hindi pa nakikilalang mga suspek o suspek ang kandado ng mga donation box na nakalagay sa mismong altar ng simbahan at adoration chapel.

Unang nadiskubre ng Sakristan mayor na si Joel ang nangyari pasado alas-4 kaninang umaga at nagsumbong kay Ronnie Quimoy na chief security ng simbahan.

Kaugnay nito, nabatid na may deperensya ang linya ng CCTV ng simbahan kaya hanggang ngayon ay ay iniimbestigahan pa ng mga otoridad kung paano at saan dumaan ang kawatan.

Tinatanyang umaabot sa P45, 000 ang perang naiipon sa loob ng donation box sa may altar sa loob lamang ng isang linggo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *