Connect with us

Aklan News

Isang GRO natagpuang naaagnas na ang bangkay sa loob ng bahay

Published

on

Naagnas na ang bangkay ng isang babae nang matagpuan sa loob ng bahay sa Sitio Patio Brgy. Bago, Roxas City. Ang biktima ay isa umanong lasingera.

Kinilala sa report ng Roxas City PNP ang babae na si Ma. Luz Peñaroyo, 33-anyos, isang freelance Guest Relation Officer (GRO), may asawa at residente ng Brgy. Balabacuan,  Dao.

Umaga ng Lunes nang matagpuan ng mga magsasaka na sina Garry Estimado at Rodian Bilan ang bangkay ng babae.

Nabatid na kukuha sana sila ng mga kagamitan sa pagsasaka sa bahay na pagmamay-ari ni Jonathan Bilan, 45-anyos, live-in partner ng babae, nang makaamoy sila ng mabaho sa loob ng bahay.

Nang usisain ng dalawa ang kuwarto ay tumambad sa kanila ang naaagnas na na bangkay ng babae bagay na agad nilang ipinaalam sa mga opisyal ng barangay.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, madalas umanong umiinom ang babae at nagdudulot pa ng kaguluhan sa kanilang lugar.

Huling nakita ang biktima Biyernes noong nakaraang linggo na bumibili ng alak at ilang junk food.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente habang nakatakda namang isailalim sa utopsiya ang bangkay ng biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *