Aklan News
Prangkisa ng tricycle sa Roxas City nais palawigin mula 1 hanggang 3 taon

Published
1 year agoon

Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panglungsod ng Roxas City ang pagpapalawig ng prangkisa ng tricycle mula isa hanggang tatlong taon.
Ayon kay Konsehal Garry Potato, Chairman on Committee on Public Utilities, ito ay bahagi ng pag-amyenda sa umiiral na “Tricycle Franchising and Regulatory Ordinance.”
Sinabi pa ng opisyal layunin din ng panukala na siguraduhin na ang pagkuha ng prangkisa ay hindi para sa negosyo kundi pangkabuhayan para sa mga residente ng lungsod.
Kasunod aniya ito ng natuklasan ng Tricycle Franchising and Regulatory Unit (TFRU) na may ilang operator o driver ang higit sa isa ang prangkisa o gumagamit ng dummy.
Kaugnay rito, hihigpitan narin sa isinusulong na panukulang amendatory ordinance ang karagdagang requirement para sa mga aplikante ang pagpasa ng affidavit of residency.
Maliban pa ito sa voter’s certification at barangay certificate of residency.
Sa affidavit of residency kailangang isaad ng aplikante na siya ay residente ng lungsod at nangangakong mananatili sa lugar sa loob ng tatlong taon na durasyon ng prangkisa.
Idaragdag rin sa panukalang ordinansa ang probisyon na pwedeng ilipat ng libre ang prangkisa sa direktang miyembro ng pamilya kapag lumipat ito ng residensya.
Pinag-aaral pa ng konseho ang nasabing panukala.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz