Connect with us

Aklan News

MOTORISTA, NA HIT-AND-RUN, PATAY; SUSPEK, ARESTADO

Published

on

Numancia, Aklan – Dead-on-arrival ang isang motorista matapos magtamo ng matinding pinsala sa ulo sanhi ng aksidenteng nangyari dakong ala 1:30 kaninang umaga sa Brgy. Laguinbanwa East, Numancia.

Kinilala nag biktimang si Jayson Dela cruz ng Brgy. Bugasongan, Lezo, Aklan. 

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, nagmamaneho ng motorsiklo galing sa Lezo papuntang Kalibo ang biktima nang aksidenteng nakasalubong ang isang wing van truck na papuntang Caticlan. 

Nag-overtake di umano ang wing van sa kasunod nitong sasakyan at bumangga sa motorsiklong minamaneho ng biktima. 

Mabilis na tumakas ang drayber ng wing van truck na si Joevic Gallo Macuja, 40 anyos at tubong Balasan, Iloilo matapos ang insidente ngunit agad siyang naharang sa Nabas matapos makipag-ugnayan ang Numancia PNP sa Nabas PNP. 

Ayon sa kapulisan, hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima sa suspek dahil nagkaroon na sila ng settlement.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *