Connect with us

Aklan News

BINATA, NASAKSAK NG MENOR DE EDAD

Published

on

Kalibo, Aklan – Sugatan at naka confine ngayon sa ospital ang isang binata matapos masaksak nang pumagitna sa isang komosyon ala 1:44 kaninang madaling araw sa Estancia, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Niño John Sobusa Bautista, 19 anyos ng nasabing lugar, habang napag-alamang taga Poblacion, Kalibo naman ang 16 anyos na binatilyong suspek.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, huminto para bumili sa tindahan ang motorsiklong sinasakyan ng dalawang minor de edad na babae.

Subalit nilapitan umano ang mga ito ng suspek at dalawa pa at nagdiskusyon, kung saan bubugbugin umano sana ng mga ito ang driver ng motorsiklong si Charles Villaco, 18 anyos na taga New Washington.

Umawat umano ang babaeng minor de edad, subalit sinuntok siya sa tiyan ng nasabing suspek.

Samantala, saglit na nawalan ng malay ang sinuntok na dalagita, rason na nagsisisigaw na humingi ng tulong ang 15 anyos nitong dalagitang kasama.

Narinig naman umano ito ng grupo ng biktima, dahilan upang sumaklolo ang mga ito at hinabol ang grupo ng mga suspek sa highway ng Estancia at doon na nasaksak ang biktima.

Kaagad siyang dinala sa ospital, habang kaagad ding tumakas ang  suspek at mga kasamahan, subalit nahuli rin sa manhunt operation ng mga pulis pasado alas 5:00 kaninang umaga sa kanilang bahay.

Aminado naman ang suspek na nasaksak niya ang biktima nang idipensa ang kanyang sarili laban sa biktima at mga kasama nito.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Kalibo PNP Station ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *