Connect with us

Aklan News

2 lalaki arestado sa Pontevedra, Capiz sa kasong roberry

Published

on

Arestado ang dalawang lalaki sa Brgy. Binuntucan, Pontevedra, Capiz umaga ng Lunes sa kasong roberry.

Kinilala sa ulat ng Pontevedra PNP ang mga akusado na sina George Dapat, 41-anyos, isang driver at Benedicto Dapat, 66-anyos, mga residente ng nasabing lugar.

Ang mga akusado ay naaresto sa operasyon ng pinagsamang mga tauhan ng Pontevedra PNP at PROACT sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay inilibas ni Judge Nelson Bartolome, Judge Designate ng Regional Trial Court Branch 16, Hall of Justice sa Roxas City.

Php20,000 bawat isa ang itinakdang piyansa ng korte para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Pansamantala silang ikinulong sa Pontevedra PNP bago dinala sa korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *