Aklan News
Lalaki balik-kulungan matapos mahulihan ng 6 sachet ng droga sa Roxas City

Published
1 year agoon

Timbog ang isang 41-anyos na lalaki sa isang buybust operation sa Barangay 5, Roxas City madaling araw ng Lunes.
Nasabat ng Roxas City PNP ang anim na sachet ng shabu mula sa suspek na kinilalang si Leo Gaborne, residente ng nasabing lugar at isang ex-convict.
Tinatayang Php221,000 ang market value ng mga nasabat na droga.
Napag-alaman na nakulong ang suspek Setyembre noong nakaraang taon dahil din sa pagkakasangkot sa iligal na droga subalit nakalaya nito lang Hulyo sa pamamagitan ng plea bargaining.
Ayon sa Roxas City PNP mahigit tatlong linggo ring isinailalim sa pagmamanman ang suspek bago ito naaresto.
Maliban sa mga sachet ng shabu, narekober din ng kapulisan mula sa suspek ang isang unit ng 380 caliber pistol na may isang magazine laman ang sampung live ammunition.
Kinumpiska rin ang kanyang cellphone, habang narekober naman ng kapulisan ang Php1,000 buybust money at ilang drug paraphernalia.
Mariin namang itinatanggi ni Gaborne na nagtutulak siya ng iligal na droga.
Nakakulong na siya ngayon sa Roxas City PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz