Connect with us

Aklan News

Construction worker, arestado sa pagtutulak ng iligal na droga

Published

on

Arestado ang lalaking ito sa pagtutulak ng iligal na droga sa isang buy bust operation sa Sitio Caduolan, Brgy. Banica sa Roxas City hapon ng Lunes.

Kinilala ang suspek na si Leo Arabia y Biscari, isang construction worker at residente ng Brgy. Tanque sa lungsod na ito.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Provincial Drug Enforcement Unit kung saan nakabili sila ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu mula sa suspek kapalit ng Php1500 buy bust money.

Narekober pa ng operatiba ang apat na sachet na naglalaman ng parehong substansya. Habang kinumpiska naman ang kanyang bisiklita, at isang cellphone.

Ayon sa mga otoridad tinatayang aabot sa Php10,000 ang street value ng mga narekober na droga.

Sa eksklusibong panayam ni KaTodo Butchoy sa suspek, inamin nito na nagtutulak siya ng droga.

Nabatid mula sa kapulisan na newly identified drug personality ang suspek.

Sa ngayon, nakakulong na sa lock-up cell ng Roxas City PNP ang lalaki at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *