Connect with us

Aklan News

#6 most wanted person sa Kalibo, arestado

Published

on

Kalibo, Aklan – Nahulog sa kamay ng mga otoridad ang no. 6 Most Wanted person sa Kalibo sa kasong rape ala 1:15 ng madaling araw kahapon sa Brgy. 76, Macapagal Ave., Pasay city.

Inaresto ang akusadong si Giovanie Dela Cruz, 23 anyos at tubong Pasay city ng pinagsanib na pwersa ng Kalibo police at Pasay police.

Ikinasa ang pag aresto sa akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Beinvinido Barrios Jr. ng RTC Br. 3 Kalibo, Aklan na may petsang Abril 18, 2017.

Dahil sa ito ay heinous crime, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamatalang kalayaan.

Iniharap na rin si Dela Cruz sa korte para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *