Connect with us

Aklan News

48-anyos na lalaki, malubha matapos mabundol ng sasakyan sa Roxas City

Published

on

Patuloy na ginagamot ngayon sa ospital sa Iloilo ang isang 38-anyos na lalaki makaraang mabundol ng sasakyan sa Brgy. Cagay, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Marlon Delmoro, residente ng parehong lugar.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Roxas City PNP, tumatawid sa kalsada ang biktima nang aksidente itong mabundol ng sasakyan.

Kinilala ang driver ng sasakyan na si Freddy Gallardo, 48-anyos, residente ng Brgy. Lawaan.

Nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan ang biktima.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Capiz Emergency Response Team (CERT) at isinugod sa ospital ang biktima.

Pansamantalang ikinustodiya ng Roxas City PNP ang driver at ang kanyang sasakyan habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa nangyari.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *