Connect with us

Aklan News

37-anyos na misis nagbigti, patay sa Sigma, Capiz

Published

on

Patay ang isang 37-anyos na misis matapos itong magbigti sa garahe sa kanilang bahay sa Brgy. Parian, Sigma, Capiz.

Ayon sa mga nakalap na impormasyon ng Radyo Todo Capiz, nadatnan nalang umaga nitong Lunes  ng 10-anyos na anak na lalaki na nakabitin at naninigas na ang katawan ng biktima.

Mabilis na humingi ng tulong ang 10-anyos na bata sa kaniyang tito at iba pang miyembro ng pamilya para dalhin sa ospital ang biktima.

Agad isinugod sa Roxas Memorial Hospital ang biktima subalit dineklara ito ng doktor na dead on arrival.

Nabatid na namamasada ang kaniyang mister sa Roxas City nang maganap ang insidente.

Depresyon ang tinitingnang dahilan ng ilang miyembro ng pamilya sa pagpapakamatay ng babae dala ng kahirapan sa buhay.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *