Connect with us

Aklan News

3 SUGATAN SA RAMBOL DAHIL SA SELOS

Published

on

Malay – Selos ang tinitingnang dahilan sa nangyaring rambol na ikinadugat ng tatlong biktima alas 12:40 kaninang madaling araw sa Caticlan, Malay.

Nakilala ang mga biktimang sina John Russel Mendoza Gadores, 19 anyos ng nasabing lugar; Stephen Maming Ayes, 21 anyos ng Union, Nabas at isang 16 anyos na binatilyo, habang nasa kustodiya naman ngayon ng Malay PNP (Sub station 5) ang suspek na si Jetro Pamularco Masangcay ng Sambiray, Malay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, nagkita-kita sa covered court plaza ng Caticlan ang kasamang lalaki ni Masangcay dala ang kanyang nobya na ‘ex gf’ pala diumano ni Gadores.

Ngunit bigla lamang umanong nagkaroon komosyon hanggang sa tumawag pa umano ng kakampi si Gadores, subalit sinabi ng suspek na hindi ito lalaban.

Nagsidatingan naman ang mga kasama ni Gadores, kung kaya’t inilabas umano ng suspek ang kanyang dalang patalim at iwinasiwas, dahilan na tinamaan sa likod at bandang puson si Gadores.

Samantala, nasugatan naman sa kamay at tumumba ang isa pang biktimang si Stephen matapos nitong tangkaing agawin ang patalim sa suspek.

Nakita umano ito ng 16 anyos niyang pinsan, kung kaya’t hinila niya palayo, subalit tinamaan din ito sa braso.

Kaagad dinala sa ospital ang mga biktima, subalit si Gadores lamang ang naconfine sa provincial hospital, habang out patient ang dalawa.

Kaagad namang naaresto ang suspek na aminadong may dalang patalim, ngunit dinipensahan lamang umano nito ang sarili.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *