Connect with us

Aklan News

Top 7 Most Wanted Person ng Tapaz, Capiz arestado sa kasong murder

Published

on

Arestado ang Top 7 Most Wanted Person sa Brgy. Roxas, Tapaz, Capiz umaga ng Biyernes dahil sa kasong murder.

Kinilala ang akusado na si Artemio Felomino,  59, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Sitio Balay, Brgy. Agpalali.

Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ni Judge Judith Orendain-Tonogbanua ng Regional Trial Court 6 Branch 20.

Walang piyansa na itinakda ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Tapaz PNP at 602nd Coy RMFB 6.

Pansamantalang ikunulong ang akusado sa Tapaz PNP Station bago dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *