Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, NABANGGA NG TRUCK, PATAY

Published

on

Malbert Dalida

NABAS – Dead on arrival sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng mabangga ng truck bandang alas 3:00 kaninang hapon sa Poblacion, Nabas. Nakilala sa report ng Nabas PNP ang biktimang si Richard Soverano Palacio, 25 anyos ng nasabing lugar, at ang driver ng wing van truck na si Ric Alcala Zamora, 45 anyos ng Barangay Idong, Bayambang, Pangasinan. Base sa imbistigasyon ng pulis, galing sa Caticlan ang truck papuntang Iloilo nang mag overtake umano ito sa isang traysikel, at aksidenteng nabangga ang kasalubong na nagmomotorsiklong biktima. Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa katawan ang biktima at dinala sa Ibajay District Hospital, subali’t hindi na ito umabot ng buhay. Pansamantala namang ikinostodiya sa Nabas PNP Station ang driver ng truck at nakatakdang iinquest sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *