Connect with us

Aklan News

Lalaki arestado sa buy bust operation sa Roxas City; 10 sachet ng shabu nasabat

Published

on

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy bust operation ng Roxas City PNP sa Brgy. Banica, Roxas City madaling araw ng Sabado.

Kinilala ang suspek na si Raniel Joshua Sultan, 24-anyos, may live-in partner, at taga- Brgy. Banica, Roxas City, Capiz.

Nasabat sa kanya ng kapulisan ang 10 sachet ng pinaniniwalaang shabu, Php1000 marked money, isang motorsiklo, isang pouch, at isang cellphone.

Tinatayang dalawang gramo ng shabu ang nasabat sa lalaki katumbas ng Php25,000 market value.

Pansamantalang nakakulong ngayon ang suspek sa Roxas City PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *