Connect with us

Aklan News

DALAWA, NASAKSAK SA GITNA NG RAMBOL

Published

on

Banga, Aklan – Dalawa ang dinala sa ospital matapos masaksak sa gitna ng rambol alas 12:45 kaninang madaling araw sa labas ng sayawan sa Pagsanghan, Banga.

Kinilala ni PSSGT. Elmar Relente ng Banga PNP ang mga biktimang sina Mark Etin, 24 anyos ng Poblacion, Balete, at Algen Rabanes Debaudin, 31 anyos ng Mangan, Banga.

Sa inisyal na imbistigasyon ng pulis, patapos na ang sayawan sa lugar nang may mangyaring rambol kung saan nasaksak ng hindi pa nakikilalang suspek o mga suspek.

Bagama’t patuloy pa ang imbistigasyon, kinumpirma naman ng pulis na hindi malubha ang mga tinamong sugat ng mga biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *