Connect with us

Aklan News

48-anyos na lalaki nalunod sa ilog sa Sigma, Capiz patay

Published

on

Patay ang isang 48-anyos na lalaki sa Brgy. Poblacion Sur, Sigma, Capiz matapos itong mahulog at malunod sa ilog Sabado ng hapon.

Kinilala sa ulat ng Sigma PNP ang biktima na si Rolando Fernandez, 48-anyos, isang caretaker at residente ng Brgy. Mangoso sa parehong bayan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, maliligo sana umano ang biktima nang ito ay aksidenteng mahulog sa ilog.

Sinisid ni Roland Apoyo ang ilog para hanapin ang biktima. Natagpuan niya ito nasa pitong talampakan ang layo sa gilid ng river control.

Rumesponde naman sa lugar ang mga tauhan ng Sigma Response Team at nilapatan ng first aid ang biktima.

Mabilis na isinugod sa Mambusao District Hospital ang biktima pero dineklara rin itong dead on arrival.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *