Connect with us

Aklan News

42-anyos na lalaki arestado sa Pilar, Capiz sa kasong Attempted Homicide, Grave Coercion

Published

on

Arestado ang isang 42-anyos na lalaki sa Brgy. Rosario, Pilar, Capiz dahil sa kasong Attempted Homicide at Grave Coercion.

Kinilala ang akusado na si Rodel Villar y Rogador, 42 anyos, isang driver at residente ng naturang lugar.

Si Villar ay inaresto ng Pilar PNP sa bisa ng magkahiwalay na warrant of arrest na inilabas ng Municipal Circuit Trial Court ng President Roxas-Pilar. 

Php36,000 sa bawat kaso ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang ikinulong ang akusado sa Pilar PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *