Connect with us

Aklan News

40 FT. CHRISTMAS TREE SA NUMANCIA, PINAILAWAN NA

Published

on

File photos

Nagliwanag ang gabi nang ilawan ang Giant Christmas tree sa Numancia Public Plaza pasado alas 6:30 ngayong gabi.

Hitik na hitik sa palamuting parol ang punong may taas na apat napong talampakan.

Nagningning ang gabi sa naturang plaza matapos itong palibutan ng mga Christmas lights.

Di rin pa huhuli ang kumikinang-kinang na mga lantern at iba’t ibang pang palamuting pamasko.

Pinangunahan ni Numancia Mayor Jeserel Templunuevo kasama sina Gov. Florencio Miraflores, Numancia Vice Mayor at SB members ang pag-ilaw ng giant christmas tree.

Binati din ng gobernador ang mga Aklanon na sumaksi sa pagpapailaw.

“Christmas is a time for celebration and giving. Hara ru tyempo nga makatao kita it grasya esp. sa mga children,” ani Miraflores.

Naghandog din ng musical rendition ang Royal Sto. Niño Center for Music Chorale & Band.

Nabighani din ang lahat sa kumukutitap na fireworks na tumagal ng 6 na minuto. Ginanap rin ang kompetisyon na tinawag na 2019 Adorn-&-Light a Tree Contest sa naturang lugar.

Samantala, magkakaroon din ng “Canticles of Joy – A Christmas Choral Competition sa Sabado, Disyembre 7, alas-6 ng gabi sa Numancia Sports and Cultural Center.

Ayon sa lokal na opisyal hangad umano nila na sana’y magdulot ito ng makabuluhan at masaganang selebrasyon ng pasko.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *