Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING IN HOMICIDE, ARESTADO

Published

on

Makato – Arestado kaninang alas 11:10 ng umaga sa Calimbajan, Makato ang isang lalaking wanted sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Nakilala ang akusadong si Jose Glenn Altares Eli, 31 anyos ng nasabing lugar.

Naaresto ng Makato PNP ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon.Joan B.Bargas-Betita ng 6th Judicial Region, 3rd MCTC Malinao-Lezo-Numancia nito lamang November 25, 2019.

Kaugnay nito, dinala sa estasyon ng Makato PNP ang akusado para sa karampatang disposisyon.

Samantala, kinumpirma naman ng Makato PNP na nakahanda naman ang akusadong magpiyansa ng P60,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *