Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, NAAKSIDENTE DAHIL SA MADULAS NA KALSADA

Published

on

Dahil sa madulas na kalsada, naaksidente bandang alas 10:30 kagabi ang isang motorsiklo sa New Buswang, Kalibo.

Kaugnay nito, sugatan at isinugod sa ospital ang driver ng motorsiklo na si Kenji Mark Rose, 26 anyos ng Catabana, Madalag.

Base sa imbistigasyon ng Kalibo PNP, galing sa New Buswang papuntang Poblacion, Kalibo si Rose kasama ang live in partner na si Evelyn Dana Boyo, 23 anyos ng Candelaria, New Washington nang magslide umano ang sinasakyan nilang motorsiklo dahil sa madulas na kalsada.

Sumemplang ang motorsiklo sa kalsada, subali’t mapalad namang hindi nasugatan ang kanyang live in partner.

Samantala, impounded sa Kalibo PNP station ang motorsiklo dahil sa samu’t-saring violation, dahil sa walang lisensya ang driver, walang OR/CR, modified muffler, maliban pa sa pagmamaneho ng driver habang nasa impluwensiya ng alak.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *