Connect with us

Aklan News

CONG. HARESCO, MYEMBRO NG BICAM PARA SA NATIONAL BUDGET 2020

Published

on

TATAPUSIN ng Bicameral Committe ng House of Representatives at Senado ang National Budget bago ang Christmas break sa darating na December 19.

Ito ang kinumpirma ni Aklan 2nd District Congressman Ted Haresco sa panayam ng Radyo Todo.

Si Cong Haresco ay Vice Chairman ng Committee on Appropriations at isa sa 20 congressmen na inatasan ng lidereto ng Kamara sa Bicameral Conference kung saan 15 naman ang mula sa Senado.

Isiniguro ni Haresco na madedepensahan nila ang inaprobahang budget ng Kamara at babantayan din ang mga proposition na inilalatag ng Senado.

Kampante din sya na igagalang ng Senado ang mga line budget na inaprobahan nila sa Kamara kung saan kasama na rin ang mahigit 3 Billion pesos na imprastraktura para sa segundo distrito ng Aklan.

Kapag nagkasundo na ang Bicameral bago ang December 6 ay isusumite ito sa Malacanan para mapirmahan ni Presidente Rodrigo Duterte at maging isang ganap na batas na gagamiting budget ng bansa sa taong 2020.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *