Connect with us

Aklan News

DALAGANG 4 NA ARAW NANG NAWAWALA, NATAGPUAN SA BAHAY NG NOBYO

Published

on

Makato, Aklan – NATAGPUAN AT NAKUHA na ng pamilya kanina ang 16 anyos na dalagita na taga Numacia na 4 na araw na umanong nawawala.

Dahil sa takot at pangamba para sa nakakabatang kapatid ay nanawagan ang kanyang 18-anyos na ate sa istasyon ng Radyo Todo upang matulungan silang makita ang nasabing dalaga.

Ayon sa kanyang ate, nagpaalam ang kanyang kapatid sa kanilang lolo na pupunta sa 7-11 subalit hindi na ito nakauwi.

Nagtext at nag-chat na umano siya dito subalit hindi ito nagrereply. Sinubukan na rin niyang magpost ng panawagan sa social media subalit wala pa ring sagot.

Hanggang sa naglakas loob siyang manawagan sa Radyo Todo kung saan napag-alaman na may nobyo ang dalaga na taga Makato.

Sinamahan siya ng aming news team na makipag-ugnayan sa mga otoridad upang mahanap ang dalaga at doon nabatid na sumama pala ito sa bahay ng kanyang 15 anyos na boyfriend.

Dinala sila sa istasyon ng pulis at hinihintay na lang ang disposisyon ng kani-kanilang pamilya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *