Aklan News
BAGYONG TISOY WALA PANG NAPAULAT NA PINSALA – PDRRMC

Published
1 year agoon

Normal pa at wala pang napaulat na malaking insidenteng nangyari na may kinalaman sa paghagupit ng bagyong Tisoy na ngayon ay nasa Tropical Cyclone Signal no. 2 na sa Aklan.
Ito ay batay sa pahayag ni Executive Officer Galo Ibardolaza ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Aklan.
Ayon kay Ibardolaza, walang humpay ang kanilang pag monitor sa lagay ng panahon at antas ng tubig lalo na sa Aklan River.
Nilinaw nito na walang dapat na ikabahala ang publiko dahil masyadong mababa ang tubig sa Guadalupe Bridge at Mobo Bridge.
Dagdag pa nito, mararamdaman pa ang bagsik ng bagyo sa lalawigan hanggang bukas hanggang sa makarating na ang bagyo sa western part ng Zambales.
Paalala ni Ibardolaza sa publiko na laging maging handa sa mga oras ng sakuna.
You may like
-
AKLAN SP, PINASALAMATAN ANG MGA TUMULONG SA POWER RESTORATION
-
TOP 1 MOST WANTED PERSON NG AKLAN PPO, ARESTADO SA LAGUNA
-
BINATANG NAGPAPUTOK NG BARIL, ARESTADO
-
GRADE 12 STUDENT, NASAKSAK NG KAINUMANG KAPWA ESTUDYANTE
-
TOP 7 MOST WANTED PERSON NG ICPO ARESTADO SA BORACAY
-
MOTOR BUMANGGA SA NAKAPARADANG TRUCK, 1 PATAY, 1 SUGATAN