Connect with us

Aklan News

APAT NA WANTED SA KASONG PANANAKIT, ARESTADO

Published

on

Balete, Aklan – Arestado bandang alas 8:30 kaninang umaga sa Archangel , Balete ang apat na wanted sa kasong pananakit o serious physical injury.

Kinilala ng Balete PNP ang mga akusadong sina John Lee Mobo, 28 anyos at ang mga mag-amang sina Rogelio Tomazar Parales, 50 anyos, Ronelo Barrientos Parales, 30 anyos at ang isa pa nitong anak na lalaki na 17 anyos.

Inaresto sila ng Balete PNP sa bisa ng warrant of arrest na nilagdaan at ibinaba ni Hon. Judge Eva Vita V. Taay ng 6th MCTC, Altavas and Balete nito lamang nakaraang November 26, 2019.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Balete PNP Station bago iharap bukas sa Altavas municipal trial court. P18, 000.00 na piyansa bawat isa ang inirekomenda ng korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Ayon pa sa Balete PNP, kapamilya rin ng mga akusado ang kanilang binugbog sa Archangel, halos wala pa ang 1 taon ang nakakalipas.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *