Connect with us

Aklan News

MAGKAKAPATID, BINUGBOG SA DAAN

Published

on

Kalibo, Aklan – Binugbog ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang apat na magkakapatid kaninang alas-2 ng umaga sa Capitol Division, Brgy. Estancia, Kalibo.

Sakit sa katawan ang inabot ng mga biktima na sina Ervin Tunod, 20 anyos, Leobt Tunod, 18 anyos, Arianne Tunod, 35 anyos at isang kinilala  lamang bilang si “Polpol”.

Salaysay ng mga biktima, biglang tumigil sa kanila ang dalawang motor sakay ang humigit kumulang 10 katao na nambugbog sa kanila.

Mabilis na tumakas ang mga suspek nang dumating ang mga kapulisan habang dinala naman ang mga biktima sa ospital.

Patuloy na iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *