Connect with us

Aklan News

Lalaki patay matapos barilin ng nakaenkwentro sa sugal sa Roxas City

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng kanyang nakaenkwentro sa sugal sa isang burol sa Sitio Ilaya, Brgy. Dinginan, Roxas City.

Ang biktima kinilalang si Gallardo Antinquinia ng nasabing lugar habang ang suspek kinilala namang si Charlie Dela Cruz alyas Panot.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Roxas City PNP, nagsusugal ang dalawa sa burol nang magkaroon ng komosyon.

Inawat umano sila ng ilang mga naroon at pinapauwi. Hindi inaasahan na babalik ang suspek na may bitbit na shotgun at binaril ang biktima.

Nagtamo ng malubhang sugat sa dibdib ang biktima. Mabilis siyang isinugod sa ospital pero dineklara ring dead on arrival.

Nahuli naman ng mga rumespondeng kapulisan ang suspek. Nakatakdang siyang sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *