Connect with us

Aklan News

Lalaki binaril, patay habang umiihi sa Bayot Drive sa Roxas City

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bayot Drive, Barangay 9, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Edward Rolio alyas Bulldog, 21-anyos, ng nasabing lugar.

Napag-alaman na nag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan nang magpaalam siya na bumili ng barbeque para gawing pulutan.

Habang nasa daan kasama ang isa niyang barkada, umiihi umano ang biktima nang may humintong motorsiklo sakay ang hindi pa nakikilalang lalaki at binaril ang biktima.

Nagtamo ng malubhang sugat ng pamamaril sa kanyang baywang ang biktima pati na sa kanyang kamay.

Agad dinala sa Emmanuel Hospital ang biktima pero makalipas ang ilang oras ay binawian rin ito ng buhay.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang pagkakakilalan ng suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *