Connect with us

Aklan News

46-anyos na lalaki pinagsasaksak sa Tapaz, Capiz; suspek arestado

Published

on

sinaksak

Nagtamo ng sugat ng pananaksak sa kaliwa at kanang dibdib, at sa braso ang isang 46-anyos na lalaki matapos saksakin Linggo ng gabi sa Brgy. Poblacion, Tapaz, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Lilam y Lebuna, 46-anyos, laborer, at residente ng Brgy. San Miguel Ilaya sa parehong bayan.

Kinilala naman sa report ng Tapaz PNP ang suspek na si Francisco Castor y Esposo, 50, isang magsasaka at residente ng Brgy. Poblacion.

Batay sa paunang imbestigasyon ng kapulisan, nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang dalawa matapos magbitiw ng hindi magagandang salita ang biktima laban sa suspek.

Dahil sa galit ng suspek umuwi ito at bumalik sa lugar at pinagsasaksak ang biktima.

Agad dinala sa Tapaz District Hospital ang biktima pero kalaunan ay inilipat rin sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City para sa intensibong paggamot.

Isang hot pursuit operation naman ang isinagawa ng rumesponding kapulisan na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Nabatid na parehong lasing ang dalawa nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *