Connect with us

Aklan News

3 KOREANA, NASANGKOT SA AKSIDENTE SA KALIBO

Published

on

Kalibo, Aklan – Dinala sa ospital ang tatlong koreana kasama ang kanilang tour guide matapos na masangkot sa aksidente ang kanilang sinasakyan na traysikel kaninang alas-4:45 ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktimang sina Gyuri Kim, 50 anyos, Mi Hyang, 51 anyos, Hyebin Yun 51, at ang kanilang tour guide na si Mark Anthony Francisco.

Batay sa imbestigasyon, sakay ng traysikel papuntang Kalibo International Airport ang mga biktima nang masalpok ng kasunod na motorsiklo na minamaneho naman ni Iris Christian Villaruel, 19, ng New Buswang, Kalibo.

Ayon sa rumesponding team ng Kalibo MDRRMO, una nilang dinala si Villaruel sa Provincial Hospital habang ang apat naman ay dinala sa isang pribadong ospital sa Kalibo.

Nabatid na nakainom si Villaruel habang nagmamaneho at wala itong lisensya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *