Connect with us

Aklan News

PAWIKAN, NASAKSIHANG NANGINGITLOG SA DALAMPASIGAN

Published

on

Kalibo-Nasaksihan ng ilang residente ng Sitio Pudlon, Mabilo, Kalibo ang pangingitlog ng isang pawikan sa dalampasigan bandang alas 4:00 kaninang madaling araw.

Katunayan, nakunan pa ng video ng ilang residente ang pawikan habang naghuhukay sa buhanginan.

Ayon kay Rolly Nepumoceno, isa sa mga residenteng nakakita sa nangingitlog na pawikan, bandang alas 4:00 umano kaninang madaling araw habang naglalakad siya sa dalampasigan nang makita nito ang pawikan.

Kaagad umano nila itong ipinagbigay alam sa mga opisyal ng barangay sa pangangambang mahukay ito ng mga aso o maapakan ng mga tao.

Ayon naman kay Kagawad Abraham Gauran, itinawag na rin nila ito sa taga BFAR o Bureau of Fishiries and Aquatic Resources upang matiyak ang kaligtasan ng mga itlog.

Tinatayang hindi bababa sa 10 mga itlog ang iniwan ng nasabing pawikan bago ito bumalik sa dagat.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *