Connect with us

Aklan News

LALAKING KUMAKANTA SA VIDEOKE, BINARIL

Published

on

Buruanga – Sugatan ang isang lalaki matapos barilin habang nagvivideoke sa isang birthday party alas 11:30 kagabi sa Sitio Capampangan, Cabugan, Buruanga.

Nakilalala ang biktimang si Edgardo Zaspa Apolinario, 33 anyos ng Katipunan, Buruanga at ang suspek na si Jason Prado Ibon, 27 anyos, mag ari ng bahay kung saan nangyari ang insidente.

Base sa imbestigasyon ng Buruanga PNP, lasing umano ang suspek at pinakiusapan umano ang biktima na hinaan ang volume ng videoke.

Hininaan naman ni Apolinario ang volume ngunit hindi nakuntento si Ibon at binaril sa mukha ang biktima gamit ang hollen gun.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima, habang arestado naman ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Buruanga PNP Station para sa karampatang disposisyon pati na ang ginamit nitong baril.

Samantala, sinabi naman ng imbestigador na si Police Staff Sergeant Richard Filaro na nag-usap na ang pamilya ng magkabilang panig at posibleng mapunta ito pakikipag-areglo.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *