Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG ACTS OF LASCIVIOUSNESS, ARESTADO

Published

on

Arestado ang isang lalaking wanted sa Sebaste, Antique dahil sa kasong Acts of Lasciviousness kahapon pasado alas 11 ng tanghali.

Nakilala sa police report ng Kalibo PNP ang akusadong si Joel Ayungon Lamberto, 36 anyos ng Arsasan, Sebaste, Antique.

Kasama ang Sebaste PNP, isinilbi ng Kalibo PNP ang warrant of arrest kay Lamberto na may criminal case no.3433 na nilagdaan at ibinaba ni Acting Presiding Judge Maria Theresa P. Aldon ng 5th Municipal Trial Court (Culasi-Sebaste) Culasi, Antique nito lamang nakaraang November 21, 2019.

Kaagad din siyang dinala ng mga taga Sebaste PNP para sa karampatang disposisyon.

Samantala, nabatid mula kay Police Staff Sergeant Roy Panagiton, imbistigador ng Sebaste PNP na isinagawa ng akusado ang krimen noong May 12, 2017 kasabay ng kapistahan ng Barangay Arsasan.

Sinasabing lasing noon ang akusado nang pasukin nito ang bahay ng isang babaeng may kapansanan at hinipuan habang natutulog.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *