Connect with us

Aklan News

SEGURIDAD SA ‘IWAG IT KALIBONHON’ CHRISTMAS TREE LIGHTING, KASADO NA

Published

on

Kalibo – Kasado na ang seguridad para sa inaabangang pag-ilaw ng ‘Iwag It Kalibonhon’ christmas tree sa darating na December 1, 2019, araw ng Linggo sa Kalibo Pastrana Park.

Ayon kay PLt. Col. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP, humigit-kumulang 100 daang pulis ang idadagdag sa kanilang puwersa para sa seguridad ng publiko sa nasabing selebrasyon,
maliban sa mga SWAT at iba pang enforcers.

Samantala, kinumpiram naman ni Mepania na isasara ang mga kalsada sa palibot ng Pastrana Park bandang alas 4:00 ng hapon sa Linggo.

Ibig sabihin, walang sasakyang pahihintulutan ang makakakapasok sa lugar upang bigyang daan ang maaliwalas na selebrasyon.

Kaugnay pa nito, nagpaalala naman si Mepania sa publiko na huwag balewalin ang mga oridinansa ng munisipyo katulad ng pagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong lugar, at pagdadala ng patalim at ilan pang batas na may kaugnayan sa public safety.

Inaasahang dadagsa ang mga taong sasaksi sa pagpapailaw ng tinaguriang giant Christmas Tree sa darating na Linggo kagaya ng mga nakalipas na taon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *