Connect with us

Aklan News

DRIVER NG RESORT, TIKLO SA BUY BUST

Published

on

Malay, Aklan – Arestado sa isinagawang Buybust operation Ng Malay PNP at PDEA Aklan ang driver ng isang resort sa isla ng Boracay.

Nakilala ang suspek na si Marvin Orizonte, 44 anyos na taga Negros occidental at pansamantalang nakatira sa sitio Hagdan Brgy. Yapak, Boracay.

Inaresto ang suspek mga dakong 1:30 kaninang umaga matapos mabilhan ng 2 sachet ng shabu kapalit ng 1,200 pesos na buybust money.

Sa isinagawang body search nakuha sa posesyon ng suspek ang 7 sachet ng shabu.

Aminado ang suspek na sa tuwing umuuwi ito sa Negros ay nagdadala Ito ng droga pag balik sa isla para sa personal niyang pangkonsumo at pang supply sa kapwa niya rin driver ng mga resort sa isla.

Mahaharap sa kasong pag labag sa Section 5 at 11 ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *