Connect with us

Aklan News

BANGKAY NG LALAKI NA BIKTIMA NG PAMAMARIL, NATAGPUAN

Published

on

Makato – Bangkay na ng matagpuan ang isang lalaki na biktima ng pamamaril sa So. Maistang, Brgy. Cayangwan, Makato pasado alas 10:30 kaninang umaga.

Nakilala ang biktimang si Johnny Taglay, 32 anyos, may asawa at residente din ng nasabing lugar.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng Radyo Todo, pumunta sa bahay ni certain Jolly kahapon sa Brgy. Libang ang biktima na nakipag inuman kasama si Rodel Tambong at diumano’y may nangyaring mainitang diskusyon sa kanilang dalawa.

Ayon kay Tambong alas 8 kaninang umaga ng umuwi ang biktima at kanya umano itong sinundan. Naabutan nito ang biktimang malapit na sa kanyang bahay at bigla umano siyang may narinig na malakas na putok ng baril. Dali dali umano siyang umalis dahil sa takot.

Subalit ayon naman sa mga residente doon na pagkatapos ng putok nakita nila na papaalis si Tambong sa lugar kung saan nakatihaya ang biktimang may tama ng pamamaril sa kanang parte ng mukha at wala ng buhay.

Base naman sa inisyal na imbestigasyong ng Makato PNP, may nakakita kay Tambong na naglalakad papunta sa bahay ni certain “Jolly” bandang ala una y medya ngayong hapon dahilan upang kanila itong inimbitahan sa himpilan ng pulis para imbestigahan.

Subalit sa panayam ng Radyo Todo Aklan kay Tambong mariin niyang itinanggi na wala syang kinalaman sa kremin at galing siya kanina sa kanilang bahay sa So. Laguna, Cayangwan nong mga oras na diumano’y may nakakita sa kanya.

Nakalagak na ngayon sa isang funeral parlor ang biktima samantalang nasa kostudiya pa ng Makato PNP si Tambong para sa masusing imbestigasyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *