Connect with us

Aklan News

41-anyos na lalaki arestado sa ‘pagtutulak’ ng droga sa Roxas City

Published

on

Arestado ang lalaking ito sa drug buy bust operation sa isang lodging house sa Plaridel St., Roxas City, Capiz hapon ng Biyernes.

Kinilala ang nasabing suspek na si Jose 2R Sumiran, 41-anyos, residente ng Poblacion Ilawod, Dumarao, Capiz.

Nasabat sa kanya ng operatiba ang dalawang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, tatlong sachet na may mga residue ng parehong substansiya, Php500 buy bust money at cellphone.

Ayon sa suspek, makikipagkita sana siya sa isang dalaga sa nasabing lodge nang arestuhin siya ng kapulisan.

Inamin ng suspek na gumagamit ito ng iligal na droga pero itinanggi na nagtutulak.

Nabatid na nakatanggap ng parole ang suspek matapos makulong nang nasa siyam taon dahil sa kasong homicide.

Ikinasa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang nasabing operasyon.

Nasa pangangalaga ngayon ng kapulisan ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *