Connect with us

Aklan News

MOTORCYCLE SHOP, NILOOBAN

Published

on

Nilooban ng di pa nakikilalang salarin ang isang motorcycle shop sa Caticlan, Malay. Ayon kay Police Staff Sergeant Anthony Balderama, itinawag sa kanilang himpilan para imbestigahan ang insidente alas 8:23 kahapon ng umaga ng Motorstar Caticlan Branch manager na si Dina Lissette Beliran Almanon.

Base naman sa report ng Malay PNP, nadatnan na lamang umano ng nasabing manager na sira na ang kinakabitan ng padlock sa kanilang roll up door. Magulo na rin umano sa loob nito kung saan natuklasang sira na ang takip ng storage cabinet doon at nawawala ang dalawang wallet sa cabinet na naglalaman umano ng tinatayang P20,000 na kanilang kita.

Maliban sa pera, nawawala rin umano ang isang ATM na naglalaman naman ng P82.20. Natuklasan pa sa imbestigasyon na walang CCTV ang nasabing establisemyento, rason naman na blangko pa sa pagkakakilanlan ng suspek o mga suspek ang mga otoridad.

Sa kabila nito, patuloy pang iniimbestigahan ng Malay PNP ang nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *