Connect with us

Aklan News

LASING NA MOTORISTA BUMANGGA SA PICK UP, SUGATAN

Published

on

Kalibo – Sugatan ang isang lasing na driver ng motorsiklo matapos bumangga sa isang pick up bandang alas 9:00 kagabi sa Andagao, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Christian Pabunan, 21 anyos ng Oyotorong St., Poblacion, Kalibo, at ang driver ng nabangga nitong pick up na si Glenn Yap Sacapaño, 62 anyos ng Balabag, Boracay.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing sa Roxas Ave. papuntang Pook, Kalibo si Pabunan, subalit mabilis umano ang takbo nito, rason na nawalan ng kontrol sa pagmamaneho at bumangga sa nasabing pick up.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na kaagad dinala sa ospital, subalit tumanggi umano itong magpa confine doon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *