Connect with us

Aklan News

Lalaki patay matapos barilin sa Tapaz, Capiz

Published

on

Patay ang 54-anyos na si Leandro Gapasinao, 54-anyos, ng Brgy. Agpalali, Tapaz, Capiz matapos barilin ng kaibigan sa kanilang bahay.

Kinilala ng Tapaz PNP ang suspek na si Isidro Bundalan, 52, ng Brgy. Tabon, Tapaz.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nananghalian pa ang suspek sa bahay ng biktima bago naganap ang insidente.

Matapos kumain, nagpaalam umano ang suspek sa biktima para umuwi.

Sinundan ng biktima ang suspek sa labas ng bahay pero agad siyang pinagbabaril nito gamit ang .45 caliber.

Dahil dito, agad binawian ng buhay ang biktima habang mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Inaalam pa ng kapulisan kung ano ang motibo sa likod ng pagbaril patay sa biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *