Connect with us

Aklan News

22-anyos na lalaki patay matapos madisgrasya sa motorsiklo sa Sigma, Capiz

Published

on

Patay ang 22-anyos na si John Iver Gomez ng Brgy. Matagnop, Dao, Capiz matapos madisgrasya ang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Poblacion Sur, Sigma Capiz.

Ayon sa Sigma PNP, binabaybay ng biktima ang kalsadahin mula sa bayan ng Dao papuntang Roxas City nang maaksidente ito.

Bigla nalang umanong natumba ang kanyang motorsiklo matapos siyang mawalan ng kontrol.

Nabatid na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang biktima nang ito ay maaksidente. Nagtamo siya ng malubhang sugat sa ulo.

Agad siyang isinugod sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo pero binawian rin ng buhay makalipas ang ilang oras habang ginagamot roon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *