Connect with us

Aklan News

UPDATE: 14 ANYOS NA BUNTIS, ITINURO ANG PINSAN NA SIYANG GUMAHASA SA KANYA

Published

on

Numancia – Walang pag-aalinlangang itinuro ng 14 anyos na dalagita na ang kanyang pinsang-buo ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.

Sa pakikipagpanayam ng Radyo Todo Aklan sa biktima, inamin nito na may limang beses siyang hinalay ng suspek na kanyang pinsan na si alyas “janjan”, 20 anyos, walang asawa, construction worker at kapitbahay lamang nila.

Nauna umano siyang ginahasa ng suspek noong buwan ng Marso nitong taon. Nasundan pa ito ng sumunod na buwan ng Abril na sa kanyang pagkaalala ay dalawang beses siyang hinalay, isang beses noong Mayo at isang beses din noong Hunyo.

Ayon sa biktima, tumityempo umano ang suspek na wala ang kanyang magulang saka pupunta ito sa kanilang bahay para siya ay abusuhin.

Hindi umano siya nakapagsumbong sa kanyang mga magulang dahil sa pagbabanta ng suspek na may masamang mangyayari sa kanya at sa kanyang pamilya.

Pangalawa ang biktima sa limang magkakapatid. Siya ang naiiwan na nagbabantay sa kanyang mga kapatid sa mga panahon na wala ang kanyang mga magulang.

Nakatakdang kuhaan ng salaysay ang biktima bukas ng Numancia WCPD para maihanda ang kaukulang kaso na isasampa laban sa suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *