Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL AT MOTOR, INARARO NG SUV

Published

on

KALIBO- Bumaliktad ang isang nakaparadang motor at traysikel matapos araruhin ng isang Toyota Avanza bandang alas 8:00 kagabi sa Jaime Cardinal Sin Avenue, Kalibo.

Dahil sa insidente, nagtamo ng pinsala ang motorsiklo ni Rolando Macali Alejaga ng J. Magno St., Poblacion, Kalibo at traysikel ni Rodolfo Ruiz Cipriano ng Crossing Buswang, Kalibo habang naiwang flat sa lugar ang nakabanggang Avanza na minamaneho ni Jonathan Narvaez Yeban, 37 anyos ng Jalas, New Washington.

Base sa imbestigasyon ng pulis, nakaparada sa gilid ng kalsada ang traysikel at motorsiklo nang mabangga ng humaharurot na Avanza.

Galing umano sa Poblacion, Kalibo papuntang New Washington si Yeban subalit nabatid na labis umano ang kalasingan nito nang mangyari ang insidente.

Kaugnay nito, pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station si Yeban para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *