Connect with us

Aklan News

VULCANIZER, ARESTADO SA PAGTITINDA NG GASOLINA

Published

on

Banga – Arestado dahil sa ilegal na pagtitinda ng gasolina ang isang vulcanizer bandang alas 2:20 kaninang hapon sa Linabuan Sur, Banga.

Nakilala ang suspek na si Celso Fuentes Retolo, 54 anyos ng nasabing lugar.

Base sa report ng Banga PNP, naaresto si Retolo matapos marekober sa kanya ang tatlong tigbi-bente litros na galon ng diesel na nagkakahalaga ng P2,250.00.

Kapalit ang mga ito ng P1,750.00 na pera na may kasamang 2 piraso ng P500.00 na marked money.

Maliban dito, narekober din ang 4 na piraso ng galon na walang laman at 1 embudo.

Kaugnay nito, pansamantalang ikinustodiya sa Banga PNP station si Retolo habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya dahil sa paglabag nito sa PD 1865 o pagtitinda ng petroleum products katulad ng gasolina.

Samantala, itinanggi naman ni Retolo na siya ang nagmamay-ari ng mga nasabing gasolina, at iginiit na inutusan lamang siya ng nagngangalang ‘Dodong’.

Si Dodong umano ang nagmamay-ari ng mga gasolina na nagkataong umalis at inihabilin lamang ang mga ito sa kanya.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *